Pages

Saturday, December 21, 2013

Estilo ng henerasyon, sa bawat direksyon


Kamusta na nga ba ang mga kabataan ngayon?,
Simple lang. Nag-aaral at mayroong mga bagong natutunan, 
masunurin, makadiyos, matulungin, walang bisyo,
may responsibilidad, makabayan, makipag kapwa tao,
pagasa ng bayan, gumagawa ng mga pangarap, at malaya.
Sa kalagayan ng ating bansa ngayon, kinakailangan natin ng
mga idea at mga propesyonal na magpapaunlad ng ating bansa
at ang mga kabataan ay isa sa mga sangkap upang ito'y masagawa.
Bawat pagtatapos mapa panimula, sekondarya, lalo na ang kolehiyo,
ay isa nang oportunidad hindi lamang sa ikauunlad ng bansa, kundi 
sa indibidwal na nabiyayan ng edukasyon mismo. Ganon ka halaga
ang bawat kabataang pilipino.

Hmmmm... ngunit sa mga kadalasan na nakikita ninyo?.   
Ah!, alam ko na...
mag-Shota, 
 Dota, 
 Facebook,  
Teks, 
 gala, 
 gimik, 
 chicks, 
 yosi (sigarilyo),
 empi lights (inuman ng alak),
  drugs "sige shabu pa!, push mo yan", 
barkada o mga tropa, 
gang, 
 mag-riot na feeling si asiong salonga,  
tumambay nagbibilang ng mga dumadaan at pagmasdan 
kung maganda at seksi o pogi,  
at pikturan ang sarili "mag selfie".  
Ngunit kadalasan selfie,  selfie dito,  selfie doon,  selfie sa pagkaing
 kakainin,  selfie sa banyo na nagbabarang kubeta na maitim-itim pa ang 
tubig,  selfie dahil badtrip, dahil walang baon,  dahil-goodtime, 
nasa kakaibang lugar, a basta selfie!!!.



Alam ko naman ganun talaga tayong mga kabataan, siempre        

para-Feeling Young Wild and Free!
(Iplay ang video)

Ngunit higit parin sa lahat ay mag selfie.

Teka-teka masyado naman natin bina-basag ang
kabataan. Para lang yan Yin at Yang, balance mayroong mabuting nangyayari sa mga kabataan at mayroong hindi mabuti. Ngunit kung pupunta tayo sa mga hindi mabubuti e, mas duma rami ata ang hindi mabuti :(
Sa tingin niyo paano na ang susunod na henerasyon? alam ko nag-babago ang panahon ngunit, ngayon ito e. Kailangan muna natin ng permiso sa MTRCB.

Patnubay ng magulang ang nag kulang,
Yong lugar kung saan lumaki ang kabataan,
mga klase ng tao ang nakakasalamuha at impluwensya sa kanya.
Halimbawa: maraming comshop at naglalaro ng Dota sa lugar nila, malamang maglalaro at pag-adikan rin niya ang Dota.



No comments:

Post a Comment